Saturday, September 8, 2018

Wikang Filipino para sa Filipino

Image result for wikang Filipino
Wikang Filipino, Noon paman ay Isinusulong
(https://plus.google.com/114723386545293105517)
          
           Wikang Filipino, ano nga ba ang silbi nito? Bilang Pilipino, talaga nga bang importante ito? Talakayin natin ang kaakibat ng salitang Wikang Filipino. 

                 Ang Wikang Filipino ay pinaglaban ng ating mga ninuno, ito ay kumakatawan sa kanilang paghihirap at paninindigan noong unang panahon. Nangangahulugan ba itong kailangan din nating ipaglaban ang sariling wika sa ating panahon? Iba-iba ang sagot ng bawat isa at sigurado iyon. Ngunit bilang isang estudyante at Pilipino, ang pakikipaglaban sa mali at gamit ang karahasan ay hindi kailanman kinakailangan. Ang bawat wika ay pantay-pantay, kung ganito ang ating pag-iisip kailanman hindi natin kalilimutan ang ating sariling wika. Sa anong paraan? 

                Iniisip ng iba na ang wika ng ibang bansa ay mas maganda kung ikumpara sa ating sariling wika, dito pumapasok ang pakikipaglaban sa ibang wika. Nagsisimula ang pagkawatak-watak ng mga tao na noon ay iisa, dahil sa iba-iba ang pananaw na pinaninindigan. May tumatangkilik ng Ingles may iba naman na ipaglalaban ang Wikang Filipino. Ngunit isipin natin. Ang pagkaka-isa ba ay dapat lamang sa Pilipinas o sa isang bansa? 

Image result for pagkakaisa ng buong mundo
 Magiging isa kapag kasama ang lahat ng Buong Bansa
(https://tl.goodsalt.com/search/Pacific_Press.html)

                 Ang pagkaka-isa ay magiging buo at totoo kapag ang bawat bansa ay iisa sa hangarin na magkaroon ng payapa na mundo. Kaya naman huwag nating isipin na ang isang wika ay may espisipikong pagkakasunod-sunod sa kung ano ang lamang at nahuhuli. Dahil ang wika ay pantay-pantay saan man ito galing o ginagamit. Kung ang banyagang wika ay maganda sa tenga, hindi masama ang paggamit o ang aralin ito. Wag lamang kalimutan at tanggalin ang sariling wika. Hindi natin kailangang siraan ang ibang wika, o isiping lamang o angat tayo sa ibang wika. Dahil ang bawat wika ay may sariling ganda at halaga. Ang kailangan lang nating gawin ay gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino ng walang inaapakang tao, saan mang sulok ng mundo. Dahil kawawa ang susunod na henerasyon, ang wikang Filipino na sariling atin ay mistulang magiging isa na lamang kwento. Kwentong kanilang pagdududahan kung talaga nga bang totoo. Wikang Filipino naging, wika nga ba ito ng mga Pilipino? Bakit ngayon mababasa at makikita na lamang sa libro. Libro na unti-unti ng nasisira, dahil walang may gustong magbasa. Sana hindi umabot sa ganoong sitwasyon, ngayong palang gamiting at pahlagahan na natin ang wikang Filipino, upang lahat ay makinabang maging ang susunod na henerasyon. 

                  Ang wika ay dapat hindi ikumpara, bagkus gamitin at pahalagahan, at huwag kalimutan ng mga taong dapat ay gumagamit nito. Sa mga Pilipino, Wikang Filipino ang ating sariling wika, ito ay para sa atin kaya dapat gamitin. 
  



                                                                                       

1 comment:

  1. Napaka ganda. Ito'y nagpapakita ng pag papahalaga sa ating sariling wika. Naway maging halimbawa ito sa lahat ng mag aaral na dapat mas pahalagan ang sariling atin, at ang mga ginawang sakripisyo ng ating mga ninuno 💜

    ReplyDelete